ILOILO CITY, Philippines – Kinumpirma noong Miyerkules ang pagkamatay ni Dueñas, Iloilo Vice Mayor Aimee Paz Lamasan matapos aksidenteng maputukan ng sarili niyang baril malapit sa kanyang tirahan sa Iloilo City noong Martes.
Sinabi ni Dueñas Mayor Robert Martin Pama, “[T]here is no goodbyes between us[.] See you in the next life[.] [I] know we will still be together. [Rest in peace] to my beloved Vice Mayor [Lamasan].”
Ayon sa live-in partner ni Lamasan na si Lord Byron Torrecarion, nangyari ang insidente bandang alas-7 ng umaga sa La Paz district, Iloilo City, habang hawak niya ang baril ay aksidente itong pumutok, at tumama sa kaniyang tiyan.
Dinala agad si Lamasan sa St. Paul’s Hospital.
Patuloy pang iniimbestigahan ang eksaktong detalye ng insidente. RNT/MND