Home METRO 11 sugatan sa sunog sa bentahan ng paputok sa Antipolo

11 sugatan sa sunog sa bentahan ng paputok sa Antipolo

261
0

RIZAL, Philippines – Labing-isang tao ang nasugatan matapos masunog ang isang firework selling area sa Antipolo, Rizal, bandang alas-12 ng madaling araw nitong Huwebes sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon sa mga saksi, nagsimula ang sunog nang may lumihis na paputok na tumama sa mga tindahan.

“Ang ginagawa ko lang po noon is nanoonood lang po ako ng fireworks… Then napansin ko po biglang lumihis po ‘yung paputok then doon na po nagsimula ‘yung trahedya,” ani isang saksi.

Tumakbo ang mga tao para iligtas ang sarili at nagtago sa likod ng mga pader at kalapit na bahay.

Ayon kay Jan Ralph Domingo ng Dela Paz Rescue, “May anim nang napunta doon sa hospital… sa total is 11 sila. Tumakbo sila e so ‘yung pagtakbo nila, nadapa, so mga gasgas at ‘yung isa is may laceration doon sa kamay but all is okay naman.”

Aabot sa walong firetruck ng Bureau of Fire Protection ang rumesponde at naapula ang sunog bandang alas-12 ng madaling araw.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Ayon sa barangay, ang lugar na may 20 stalls ay opisyal na itinayo noong Disyembre 2025, mula sa dating lokasyon sa kahabaan ng highway. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here