Home METRO Guro utas sa estudyante

Guro utas sa estudyante

243
0

SANTIAGO CITY, Philippines – Natagpuang patay ang isang lalaking guro sa inuupahang silid matapos patayin ng isang estudyante sa Barangay Villasis, Santiago City, Isabela.

Napag-alaman, ihahatid lang sana ng labandera ang pinaglabhang uniporme ng 31-anyos na public school teacher nang makita ang duguan nitong bangkay bandang alas-10:00 ng umaga.

May nakapulupot din na extension wire sa leeg ng biktima.

Huli raw nakitang buhay ng mga kasama sa boarding house ang biktima na umalis bandang hapon noong December 28.

Sa tulong ng CCTV video, natukoy naman agad ang suspek na nakitang bitbit ang backpack at ilan pang gamit ng biktima saka tumakas gamit ang motorsiklo rin ng biktima.

Sinuri rin ng pulis sa pahintulot ng pamilya ang Facebook Messenger ng biktima kung saan nakumpirmang kausap niya ang suspek.

Sa hot pursuit operation ay nahuli ang suspek na 19-anyos na estudyanteng taga-Saguday, Quirino.

Nabawi sa suspek ang motorsiklo, wallet at cellphone ng biktima gayundin ang damit ng suspek nang mangyari ang krimen.

Nahaharap sa kasong pagpatay o murder ang suspek na eatudyante na pansamantala nasa piitan ng pulisya sa lungsod. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here