Home METRO 13-anyos na PWD, kritikal sa pinulot na paputok sa QC

13-anyos na PWD, kritikal sa pinulot na paputok sa QC

231
0

MANILA, Philippines – Isang 13-anyos na PWD ang nasa kritikal na kalagayan matapos masabugan ng isang pinulot na paputok sa Quezon City.

Ayon sa CCTV footage, tatlong batang lalaki ang naglalaro ng basketball sa Barangay Pansol nang may isang kumuha ng pahabang bagay malapit sa isang traysikel.

Matapos nitong subukang sindihan at hindi pumutok, ibinigay niya ito sa biktimang PWD, na sindihan ito at sumabog.

Nagtamo ng malubhang pinsala sa hita ang biktima at agad na dinala sa ospital kung saan kailangan niyang sumailalim sa limang karagdagang operasyon upang mailigtas ang parehong mga binti.

“‘Iuwi niyo na ako sa bahay kaya ko ‘to.’ Sabi ko, ‘Sabog yung hita mo. Kaya mo?’” Samantala, nanawagan ang ina sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng paputok: “Sana yung nag-iiwan ng paputok doon, makonsensya naman kayo,” anang ama ng biktima.

Ayon sa opisyal ng barangay, naganap ang pagsabog sa isang itinalagang lugar para sa fireworks na nilinis matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.

Pinayuhan ng awtoridad ang publiko na huwag kunin ang mga ginamit nang paputok. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here