MANILA, Philippines – Isang tao ang nasawi habang isa ang nawawala matapos mapataob ng malalakas na alon ang isang kayak sa Pasikon Beach, Barangay Baybay, Burgos, Surigao del Norte noong Disyembre 30.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tatlo ang sakay nang mangyari ang aksidente.
Nailigtas ng PCG ang isang nasugatang pasahero at narekober ang bangkay ng isa, habang ang 19-anyos na residente ng Malolos, Bulacan, ay nananatiling nawawala.
Pinayuhan ng awtoridad ang lahat ng kalapit na bangka na maging maingat at agad na mag-ulat sa pinakamalapit na yunit ng Coast Guard. RNT