MANILA, Philippines — Halos kalahati ng nasa tamang edad na Pilipino ang naniniwala na mas gaganda ang kanilang kalidad ng buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mula Nobyembre 24 hanggang 30, 44 porsyento ang inaasahang pagbuti, 38 porsyento ang inaasahang mananatili ang kalagayan, at 8 porsyento ang inaasahang lumala. Itinala ng SWS ang Net Personal Optimism na +36, na nasa kategoryang “very high.”
“Since then, optimism has rebounded and returned to pre-pandemic levels,” ayon sa SWS, na binanggit na pinaka-optimistic ang mga kabataan at college graduates.
Pinakamataas ang Net Personal Optimism sa mga college graduates at senior high school learners (+44), habang ang iba pang antas ng edukasyon ay nanatiling very high.
Sa rehiyon, tumaas ang optimism sa Mindanao (+35) at Balance Luzon (+40), habang bahagyang bumaba sa Metro Manila (+36) at Visayas (+29).
Bahagyang tumaas ang rural optimism (+36) at nanatiling steady ang urban areas (+37). Ang mga nakaranas ng pagbuti sa nakaraang taon ay nagtala ng excellent +58, kumpara sa +35 ng hindi nagbago ang kalagayan at +21 ng lumala ang sitwasyon. Dave Baluyot