Home ENTERTAINMENT Ai Ai, nanganib noong Pasko!

Ai Ai, nanganib noong Pasko!

227
0

Manila, Philippines – Matinding ubo at hika ang sumalubong kay Ai Ai delas Alas noong Pasko.

Dahil sa kanyang healthy lifestyle, sinabi niya na kung hindi, maaaring ngayon ay “the late Ai Ai delas Alas” na siya.

Ito ang pinost niya sa Instagram nu’ng nakaraan, kasama ang larawan niya na naka-pink gym outfit.

Ito’y matapos siyang atakihin ng, sa kanyang sinabi, wagas na asthma.

Tsika ng komedyana: “Parang ‘di ako nasalanta ng malalang ubo at asthma. Nagpapasalamat ako na naging ganito ang lifestyle ko at nag-dyi-gym ako…kung hindi, the late Martina Elleen na ako, Paskung-Pasko pa naman!”

Maghapon at magdamag daw noong December 24 ay non-stop ang ubo ni Ai Ai.

“Hindi na ako makahinga…sabi ko, ‘Lord, ‘wag mo muna ako kunin ngayon, Paskung-Pasko.’ At naka-recover naman ako. Salamat din sa reseta ni Dr. Ayuyao, ang aking pulmonary doctor,” ani Ai Ai na nakaranas daw ng ganoong katinding ubo sa kauna-unahang pagkakataon.

Tuloy, nakapagbitiw ng pangako si Ai Ai: “Hindi na mauulit ‘yon. Super magpapalakas pa ako ng katawan.

“To God be all the glory and honor!”

Ginugol ni Ai Ai ang kanyang Pasko kasama ang kanyang anak na si Andrei.

Nasa Canada ang panganay niyang anak na si Sancho kasama ang kanyang asawa, samantalang ang kanyang ibang mga anak na sina Nicolo at Sophia ay kapwa nasa Los Angeles, USA.

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here