Home METRO Ilang bahagi ng Rizal, Taguig mawawalan ng tubig sa Enero 6–8

Ilang bahagi ng Rizal, Taguig mawawalan ng tubig sa Enero 6–8

251
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng water service interruption sa ilang lugar sa Rizal at Taguig City mula Enero 6 hanggang Enero 8 dahil sa nakaiskedyul na maintenance works, ayon sa Manila Water Company.

Pinayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang iskedyul ng pagkawala ng suplay.

Mga apektadong lugar at oras:

Enero 6, 10:00 p.m. hanggang Enero 7, 4:00 a.m.

–Barangay Mahabang Parang

–Barangay Batingan, Binangonan, Rizal
Dahilan: Pagpapalit ng pump bearing sa Mahabang Parang Road

Enero 7, 10:00 p.m. hanggang Enero 8, 4:00 a.m.

–Barangay Bagumbayan, Taguig City
Dahilan: Interconnection activity sa Manalac corner 4th Avenue

Paalala ng Manila Water, kapag naibalik na ang suplay ng tubig, paagusin muna ang gripo ng ilang minuto hanggang luminaw ang tubig bago ito gamitin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here