Home METRO Aktibidad ng bulkang Taal, nagpapatuloy

Aktibidad ng bulkang Taal, nagpapatuloy

209
0

BATANGAS, Philippines – Patuloy na naitala ang volcanic earthquakes at tremors sa Taal Volcano sa Batangas, ayon sa Phivolcs.

Ayon sa kanilang bulletin, 25 volcanic earthquakes at 6 tremors, na tumagal mula 1 hanggang 7 minuto, ang naitala sa nakalipas na 24 oras.

Noong Huwebes, naitala ang 51 earthquakes at 13 tremors, ngunit sumunod na araw ay walang aktibidad, nagpapakita ng panandaliang katahimikan.

Paliwanag ng Phivolcs: Ang volcanic earthquakes ay dulot ng magma sa ilalim o malapit sa bulkan, samantalang ang volcanic tremors ay tuloy-tuloy na pag-uga sa mababang frequency na tumatagal ng higit isang minuto.

Noong Disyembre, mas mababa ang aktibidad ng Taal, na may kabuuang 101 volcanic earthquakes at 26 tremor episodes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here