Home METRO Pagpasok sa 6km danger zone ng Mayon, ipinagbabawal

Pagpasok sa 6km danger zone ng Mayon, ipinagbabawal

236
0

ALBAY, Philippines – Mahigpit na ipinatutupad ng Police Regional Office 5 at Albay Provincial Police ang pagbabawal sa anumang aktibidad sa loob ng 6-km permanent danger zone (PDZ) ng Mayon Volcano dahil sa itinaas na alert level nito.

Ani PRO-5 acting Director Brig. Gen. Erosito Miranda, ipinagbabawal ang pag-akyat, pagpasok, o pananatili sa tourist spots at malapit sa bulkan, kabilang ang mga residente, turista, mountaineers, at tour guides.

Pinatibay ang mga checkpoint, chokepoint, at regular na patrol para mapigilan ang sinumang pumasok sa bawal na lugar.

Ayon sa APSEMO, delikado ang PDZ sa lahat ng oras dahil sa panganib ng lava flow, pyroclastic density current, rockfall, at ashfall.

Patuloy ang koordinasyon ng PNP sa local governments, PHIVOLCS, AFP, Bureau of Fire Protection, at iba pang ahensya upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan.

Hinikayat ng pulisya ang publiko na makinig sa babala, sumunod sa advisory, at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here