Home NATIONWIDE Nasugatan ng paputok mas kaunti, ngunit mas malala ang pinsala — DOH

Nasugatan ng paputok mas kaunti, ngunit mas malala ang pinsala — DOH

258
0

MANILA, Philippines – Maaaring mas mababa ang bilang ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok sa 2025 kumpara sa 2024 ngunit mas malala ang pinsalang natamo ng mga biktima ayon sa Department of Health.

Sinabi ni Assistant Secretary Albert Domingo, spokesperson ng DOH, na maaaring umabot sa 500 ang bilang ng FWRIs, pending validation ng higit sa 300 kaso na naitala bukod sa 235 insidente na naiulat noong Enero 1, Huwebes.

Kahit na ang bilang ay “humigit – kumulang ” 500 FWRIs, mas mababa pa rin ito sa 803 FWRIs na naitala noong 2024.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal ng DOH na bagaman mas mababa ang bilang ng mga kaso, mas kritikal ang mga sugat na natamo ng mga biktima.

Aniya inuuri ng DOH ang mga biktima ng FWRIs bilang “burns without amputations ” o ” burns with amputation” at nagtatala rin ng mga nakaranas ng mga sugat sa mata at mga naapektuhan ang baga dahil sa paputok.

Ayon pa kay Domingo karamihan sa mga biktima ng FWRIs ay mga menor de edad.

Tungkol sa mga pagkamatay na may kaugnayan sa firecrackers, binanggit ng opisyal ng DOH ang isang 12-taong gulang na batang lalaki na namatay agad sa isang pagsabog sa Tondo, Manila noong Disyembre 28.

May isang kumpirmadong naman aniya na kaso ng pagkamatay dahil sa stray bullets o ligaw na bala at limang iba pa ang sumasailalim sa validation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here