Home METRO CDO, buena manong lubog sa baha sa 2026

CDO, buena manong lubog sa baha sa 2026

303
0

MANILA, Philippines – Dahil sa malakas na ulan nitong Biyernes ng gabi, naranasan ang pagbaha sa ilang lugar sa Cagayan de Oro City.

Nalubog sa baha ang mga kalsada tulad ng Osmeña Street at J.R. Borja Street, at may bahagi malapit sa isang mall na hindi madaanan ng mga magaan na sasakyan.

Iniulat rin ang pagbaha sa mga bahay sa Cronin Village, Barangay Camaman-an, at waist-deep sa Barangay Balulang.

Anim na pamilya ang nawalan ng tahanan matapos anurin ng malakas na agos ng Cagayan de Oro River ang kanilang mga bahay.

Sa Sitio Manggahan, 48 katao mula sa 18 pamilya ang inilikas sa Senior Citizens Office ng barangay. Ibinahagi ng mga residente na hindi sila handa sa biglaang pagtaas ng tubig.

Nagbigay ang mga opisyal ng barangay ng pangunahing pangangailangan at isinusulong ang relokasyon, dahil itinuturing ang lugar bilang no-build zone. Kasalukuyang tinataya ng Cagayan de Oro City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) at ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) ang pinsala at nagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here