MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang operasyon laban sa umano’y New People’s Army sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong Bagong Taon bilang lehitimong intelligence-driven mission na tumutukoy lamang sa armadong banta.
Tinanggihan ng AFP ang alegasyon ng Karapatan na may indiscriminate aerial strafing at pagbomba sa mga sibilyan.
“The operation was a legitimate, intelligence-driven mission against communist terrorist group (CTG) members who continue to threaten communities with violence,” ani AFP.
“Air support was used only to protect troops on the ground, in full compliance with the Rules of Engagement and with strict regard for civilian safety. No civilian communities were targeted.”
Ayon sa 2nd Infantry Division, nakipag-engkwentro ang mga tropa ng 76th, 1st, at 59th Infantry Battalions at 5th Scout Ranger Battalion sa mga natitirang miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya–Island Committee Mindoro sa tatlong magkahiwalay na engkwentro noong Enero 1.
Isang sundalo ang nasugatan habang patuloy pang beripikahin ang casualties ng NPA.
Sinabi ng AFP na naganap ang engkwentro sa kabila ng pansamantalang holiday ceasefire ng CPP, na tinawag nilang “deceptive.”
Narekober rin ng AFP ang 42 anti-personnel mines at higit 100 homemade grenades noong Disyembre 31.
Kinundena ng Karapatan ang operasyon bilang panganib sa mga sibilyan at nanawagan ng imbestigasyon ng CHR.
Pinuna rin ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang air strikes, na nagsabing nagdudulot ang militarisasyon sa karapatang pantao sa mga rural na lugar. Dave Baluyot