Home METRO Suspek sa pagpatay, nasukol sa hotel sa Ecija

Suspek sa pagpatay, nasukol sa hotel sa Ecija

352
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Nasukol at naaresto ng mga awtoridad sa loob ng isang hotel sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang suspek sa isang shooting incident na nangyari sa kahabaan ng Cagayan Valley Road, Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan, matapos ang 24 oras na swift police response.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.,

Sa inisyal na ulat, natunton ang suspek base sa salaysay ng mga nakakita sa pamamaril na tumakas matapos ang insidente, na namukhaan at nakilala ang suspek at nakuha ang plaka ng sasakyang ginamit nito sa pagtakas.

Narekober mula sa suspek ang isang caliber .45 pistol na kargado ng bala na ginamit umano sa pamamaril, gayundin ang kotse na ginamit nito sa pagtakas.

Dinala na rin sa forensic examination ang baril na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pamamaril.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang nadakip na suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

(Roel Tarayao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here