VATICAN CITY – Inaprubahan ni Pope Leo XIV ang pagkakahalal kay Cardinal Luis Antonio Tagle, 69, bilang bagong dean ng College of Cardinals, ang kauna-unahang Asyano na mamumuno sa grupo.
Hahalili si Tagle kay Cardinal Giovanni Battista Re, 92, na nanungkulan mula 2020. Ang dean ay inihahalal ng mga kapwa cardinal at kailangang aprubahan ng Papa, na may limang taong termino.
Dating Arsobispo ng Maynila si Tagle at kasalukuyang pro-prefect ng Dicastery for Evangelization sa Vatican. Kilala rin siyang malapit na kaalyado ni Pope Francis at tinatawag na “Chito.” Itinuring din siyang posibleng maging Papa sa conclave noong Mayo 2025.
Bilang dean, pangungunahan niya ang mga senior leader ng Simbahang Katolika na nagpapayo sa Papa at may mahalagang papel sa proseso ng pagpapalit ng Santo Papa. Gagamitin din niya ang titulo ng Suburbicarian Church of Ostia.
Itinuturing itong malaking karangalan para sa mga Katolikong Pilipino sa buong mundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden