Home NATIONWIDE Bahay, mga sasakyan tinupok ng apoy sa Gapo

Bahay, mga sasakyan tinupok ng apoy sa Gapo

265
0

OLONGAPO CITY – Inulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot sa 1st Alarm ang sunog na tumupok sa isang residential house at ilang sasakyan at ari-arian na naganap nitong Linggo ng madaling araw (Enero 4, 2026) sa Adelfa 2, Barangay Sta. Rita.

Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog dakong alas-4:55 ng madaling araw at idineklarang fire under control dakong alas-5:30 ng madaling araw, kung saan umabot sa 1st Alarm ang insidente.

Nasa tatlong (3) pamilya ang apektado sa pagsiklab ng sunog, kung saan iniulat na kasamang tinupok ng apoy ang ilang sasakyan na nasa bakuran ng nasunog na residential area.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente, habang patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng sunog.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng pinsalang tinupok ng sunog. (Roel Tarayao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here