Home NATIONWIDE Pag-ban ng e-trikes, e-bikes sa lansangan, inalmahan

Pag-ban ng e-trikes, e-bikes sa lansangan, inalmahan

307
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na ang istriktong pagpapatupad at panghuhuli para sa ban ng mga e-trikes at e-bikes sa mga piling lansangan ng Metro Manila ay hindi makabubuti para sa ekonomiya ng bansa lalo pa’t ang mga gumagamit nito ay ang pangkaraniwang masa o mahihirap.

Ayon kay Atty. Ariel Inton ng LCSP may economic at legal issues na dapat ikonsidera.

Maraming masang Pilipino na gumagamit ng mga sasakyang ito para makatipid sa pasahe at umalwan ang kanilang biyahe dahil sa hirap ng pagsakay sa public transport. 

Nabatid pa kay Inton na hindi rin daw naaayon sa Electric  Vehicle Industry Developmrnt Act ( EVIDA law) and aksyon ng LTO dahil sa malabnaw at malabo ang polisiya.

Ayon umano sa batas regulation at hindi prohibition ang kailangan upang mabalanse ang safety concerns sa economic at legal concerns. 

Ginawa ni Inton ang pahayag makaraang  ipahayag ng Land Transportation Office (LTO) na palalawakin nila ang pagbabawal sa e-trike at e-bike sa mas maraming kalsada sa Metro Manila, kabilang ang Commonwealth Avenue, Marcos Highway, Sumulong Highway, at Quezon Avenue, bukod sa EDSA, C-5, at Roxas Boulevard sa Quirino Avenue, ayon kay LTO chief Assistant Secretary Marcus Lacanilao.

Sinabi pa ni Inton na ayon sa make it safer movement “it did not see the ban reducing road crashes and traffic”.

Idinagdag pa ng LCSP kapag masa ang gumagamit at may pakinabang sa kanilang pamumuhay ay laging may reklamo sa paggamit nila? 

Nabatid pa kay Inton na mahalaga na maibalanse ang mga issues sa paggamit ng mga e trikes at e bikes. Hindi puede puro bawal, multa at huli lang.

Noon ay hinuhuli at ibinawal ang motorcycle taxi. Pero dahil sa pakikipaglaban ng sector ay na regulate ito at ngayon ay bahagi na ng public transport, ayon pa sa LCSP. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here