Home NATIONWIDE Ilang e-trike, e-bike huli sa Metro Manila — LTO

Ilang e-trike, e-bike huli sa Metro Manila — LTO

257
0

MANILA, Philippines – Nahuli ng Land Transportation Office (LTO) ang ilang e-trike drivers sa Metro Manila matapos dumaan sa kalsadang ipinagbawal sa electric tricycles at e-bikes simula Enero 2.

Kasama sa bawal na ruta ang Roxas Boulevard, EDSA, C5 Road, at Quirino Avenue, at pinag-aaralan ng LTO na palawakin pa ang listahan.

Sa unang dalawang araw ng implementasyon, halos 200 driver ang na-flag down o nakatanggap ng ticket, ngunit bumaba na ang bilang nitong linggo.

LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao nagbigay ng datos mula Enero 4: 33 driver ang na-flag down at 6 ang na-apprehend.

Ang multa sa paglabag ay ₱1,000, dagdag ₱1,500 kung walang helmet ang driver o pasahero.

Ani Lacanilao, “Sumunod na lang po tayo… ay bawal po kayo dyan, huwag po nating hayaan na mas lalo kaming maghigpit at ma-impound namin ang iyong e-bike, e-trike e mas malaking perwisyo sa inyo.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here