Home METRO Online drug trade mahigpit na imo-monitor ng PDEA

Online drug trade mahigpit na imo-monitor ng PDEA

228
0

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines – Plano ng PDEA Occidental Mindoro na palakasin ang cyber monitoring at financial tracking dahil naobserbahan nilang ginagamit ng mga drug personalities ang social media at e-wallet services tulad ng GCash sa kanilang transaksyon.

Ayon kay PDEA Provincial Director Jeremy Junio, mas mahirap na ngayon tuklasin ang street-level drug trade kaya nagiging laganap ang online deals gamit ang “dead drop” method, kung saan iniiiwan ang droga sa isang lugar at online ang bayad.

Nakikipagtulungan ang ahensya sa cybercrime at financial intelligence units pati na rin sa telecom at digital service providers para subaybayan ang kahina-hinalang aktibidad at posibleng i-freeze ang digital accounts.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng PDEA sa barangay councils at residente para i-report ang kahina-hinalang kilos. Ayon kay Junio, ang shabu pa rin ang pinaka-karaniwang ibinebenta sa Occidental Mindoro sa halagang P4,000 kada gramo.

Sa nakalipas na buwan, naaresto ang ilang high-value suspects at na-dismantle ang drug den sa San Jose, na nakatutulong para pigilan ang paulit-ulit na ilegal na gawain kasama ang prostitusyon.

Bukod sa enforcement, nagpapatuloy ang preventive programs sa schools, workplaces, at barangays para turuan ang publiko tungkol sa digital safety at online drug trade.

Ani Junio, “The agency says it will continue expanding its use of cyber surveillance, financial intelligence, community reporting mechanisms, and educational outreach to address evolving methods used by drug syndicates.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here