Home NATIONWIDE “Synchronized” online propaganda ibinabala ng gobyerno

“Synchronized” online propaganda ibinabala ng gobyerno

203
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) laban sa tinaguriang “deliberate” at “synchronized” na social media propaganda ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at kaalyadong grupo.

Ayon kay NTF-Elcac Executive Director Ernesto Torres Jr., maraming interlinked na social media pages ang nagpo-post ng parehong mensahe, slogan, hashtag, at visuals—senyales umano ng sentralisadong utos at hindi basta aktibismong kusang-loob.

“This is neither coincidence nor spontaneity. This is central direction from the party,” ani Torres. Idinagdag niya na ang propaganda ay gumagamit ng parehong timing, wika, at framing upang ipakita ang partido bilang makapangyarihan, kahit papaano ay “movement in decline.”

Ayon sa kanya, paulit-ulit sa mga posts ang panawagan sa “armed struggle,” “revolutionary movement,” at “lightning rallies,” na nakatutok sa mga estudyante, urban poor, at iba pang mahihinang sektor, habang lumilipat ang grupo sa online platforms dahil bumababa ang suporta sa ground.

“Unable to rebuild support through armed formations that are now fragmented, isolated, and rejected by communities, they have resorted to flooding social-media platforms with rage-bait, distortion, and incitement,” dagdag ni Torres.

Layunin umano ng kampanya na pukawin ang galit, gawing normal ang karahasan bilang “activism,” at hubugin ang bagong henerasyon, ngunit napansin niyang bumabaliktad na ang reaksyon ng publiko laban sa mga grupo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here