MANILA, Philippines – Asahan nang itatayo ng gobyerno ang Corrections Academy sa gitna ng target na maIangat ang training standards na kahalintulad sa ibang mga bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Bureau of Correctiona Director Gregorio Catapang na itatayo nila ang paaralan sa isang 270 ektrayang lupain na pag- aari ng BUCOR sa Tanay, Rizal.
Kailangan na aniyang maiangat ang kanilang pagsasanay kung pag- uusapan ay may kinalaman sa correctional training kagaya ng ipinatutupad sa Amerika, Singapore at Norway.
Isasakatuparan aniya ito sa mga suaunod na taon.
Inihayag ni Catapang na taon- taon ay kumukuha sila ng nasa 1 libong mga nagsisipag- apply sa BUCOR na kung saan, nasa tatlo hanggang apat na libong mga applicants ang nagnanais na makapasok sa Bureau. (KRIS JOSE)