Home METRO 2 preso sa Tabuk City Police Station, pumuga

2 preso sa Tabuk City Police Station, pumuga

238
0

KALINGA, Philippines – Dalawang preso bilanggo ang nakatakas sa Tabuk City Police Station dito sa nasabing Lungsod sa probinsya ng Kalinga.

Kinilala ang mga nakapuga na sina Andres Benito Jr. 35-anyos at Michael Macagne, 39-anyos na kapwa magsasaka at residente ng Bulanao Tabuk City, Kalinga.

December 17, 2025 nang maaresto ang 2 preso na nakulong dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga bilang RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591  o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Nagawa umanong makatakas ng dalawa sa pamamagitan ng maliit na uwang sa bubungan ng selda na kumukunekta sa likurang bahagi ng himpilan at nagawa pang putulin ang ilang round bars ng selda bago tuluyang makalabas.

Nakita ang umanoy ginamit na blade ng lagare at ilang piraso ng metal bars kabilang ang isang bolt cutter sa katabing palayan ng himpilan.

Hinikayat ng mga kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa kanilang hanay nang m,aaresto muli ang mga nakatakas na kataong may paglabag sa batas. (REY VELASCO) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here