Home TOP STORIES M6.2 lindol yumanig sa kanlurang Japan; walang tsunami warning

M6.2 lindol yumanig sa kanlurang Japan; walang tsunami warning

236
0

TOKYO, Japan – Yumanig ang kanlurang baybayin ng Japan sa isang 6.2-magnitude na lindol nitong Martes, ayon sa Japan Meteorological Agency, ngunit walang inilabas na tsunami warning.

Naitala ang lindol bandang 10:18 a.m. (0118 GMT) sa Shimane prefecture. Walang ulat ng malaking pinsala.

Ayon sa US Geological Survey, bahagyang mas mababa ang kanilang naitalang magnitude na 5.8. Sa lungsod ng Yasugi sa kanluran, tinatayang nasa upper five sa Shindo scale ng lindol ang lakas, kung saan maaaring mahulog ang mabibigat na kasangkapan at mahirapang magmaneho ang mga motorista.

Sinabi ng JMA na sinundan ito ng ilang mas maliliit na lindol sa rehiyon na may magnitude na 4.5, 5.1, 3.8, at 5.4, ngunit walang tsunami alerts na naibigay.

Ang Japan, na nakapatong sa apat na pangunahing tectonic plates sa gilid ng Pacific “Ring of Fire,” ay isa sa mga bansang pinakaaktibo sa lindol sa mundo, na nakararanas ng humigit-kumulang 1,500 lindol kada taon. Karamihan sa mga ito ay mild, ngunit ang pinsalang dulot ay nakadepende sa lokasyon at lalim ng lindol. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here