Home NATIONWIDE Pagbaba ng policy rate ng BSP sa four-year low inaasahan ngayong taon

Pagbaba ng policy rate ng BSP sa four-year low inaasahan ngayong taon

255
0

MANILA, Philippines — Posibleng magpatuloy ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagbawas ng policy rate ngayong taon at maghatid ng kabuuang 50 basis points na bawas, na magtutulak sa benchmark rate sa pinakamababang antas sa loob ng apat na taon, ayon sa Metropolitan Bank & Trust Co. (Metrobank).

Tinataya ng Metrobank na unti-unting ibababa ng BSP ang target reverse repurchase (RRP) rate patungo sa tinatayang terminal rate na 4.00% pagsapit ng huling bahagi ng 2026, ang pinakamababa mula nang itakda ang policy rate sa 3.75% noong Agosto 2022.

Inaasahan ding mananatili ang inflation sa loob ng target na 2.0% hanggang 4.0% ngayong taon matapos bumaba sa ibaba ng target range noong 2025. Umabot sa 1.8% ang inflation noong Disyembre 2025, habang 1.7% naman ang full-year average.

Ayon sa Metrobank, ang mababang inflation, kasabay ng mahinang galaw ng ekonomiya at subdued na consumer at investor sentiment, ay nagbibigay ng sapat na puwang para sa karagdagang pagbawas ng BSP sa policy rate.

Noong Disyembre, ibinaba ng Monetary Board ang policy rates ng 25 basis points na nagtakda sa RRP sa 4.50%, overnight deposit rate sa 4.00%, at overnight lending rate sa 5.00%.

Dagdag pa, posibleng bumuti ang investment at konsumo sa 2026 sa oras na maging neutral ang policy rates at tumaas ang cash transfers ng gobyerno.

Gayunman, maaari itong mapigilan ng mataas na antas ng consumer debt at mahinang kumpiyansa ng mamumuhunan bunsod ng mga isyung kinahaharap ng pamahalaan.

Kasabay nito, patuloy na sinusuri ng Kongreso ang umano’y mga iregularidad sa paggasta sa public works, kabilang ang mga proyekto sa flood control na naging dahilan ng pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang palakasin ang transparency at pananagutan.

Inaasahan ding mananatiling mahina ang paggasta ng gobyerno at konsumo ngayong taon, bago muling bumuti sa 2026. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here