Home NATIONWIDE Nigerian patay sa pananaksak sa Las Piñas

Nigerian patay sa pananaksak sa Las Piñas

217
0
Photo courtesy of NCRPO

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking sangkot umano sa pananaksak sa isang Nigerian national sa Barangay Zapote, Las Piñas City, madaling araw ng Martes, Enero 6.

Ayon sa National Capital Region Police Office, ang suspek ay nahuli sa naganap na habulan matapos ang insidente.

Sa report, nangyari ang pananaksak 3:45 ng umaga sa Basa 1, Barangay Zapote.

Ang biktimang Nigerian national na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ay nasa edad 30 hanggang 40-anyos na nagtamo ng saksak sa tiyan nito at kamay.

Sinabi ng saksi na nang inaayos niya ang mga recyclable material ay narinig nito ang komosyon sa labas.

Ilang sandali lamang ay may narinig itong nagsabi nang “give me the money.”

Nang tumingi umano ang saksi sa labas ay nakita nito ang biktima na pinagtutulungan ng dalawang lalaki.

Sinaksak umano ng suspek ang biktima sa kanang bahagi ng katawan bago tumakas kasama ang isa pang suspek na kinilala sa “alias Lu Long,” na pinaghahanap pa rin.

Kahit na duguan ay nagawa pang habulin ng biktima ang suspek at nakipambuno ito ngunit nagawa pa ring nitong makatakas.

Isinugod ng mga rumespondeng tanod ang biktima sa Las Piñas District Hospital, ngunit idineklarang patay 5:24 ng umaga.

Naglunsad ng manhunt ang mga awtoridad sa ikalawang suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here