Home HOME BANNER STORY Mga may sakit na deboto, hinikayat na ‘wag muna sumama sa Traslacion

Mga may sakit na deboto, hinikayat na ‘wag muna sumama sa Traslacion

204
0

MANILA, Philippines – Bagaman walang nakikitang matinding pagtaas ng kaso ng trangkaso, hinihikayat ng Department of Health (DOH), sa mga immunocompromised at may karamdaman na manatili na lang sa kanilang bahay, imbes na makiisa sa Traslacion ngayong taon.

Sa kasalukuyan, 41 lamang ang naitalang kaso ng “super flu” mula Agosto 6 hanggang Oktubre 24, 2025, at lahat ng na-monitor na pasyente ay gumaling na.

Hinimok ni DOH Assistant Secretary Gloria Balboa ang mga may chronic illnesses, matatanda, bata, buntis, at mga may sakit na huwag dumalo sa masisikip na lugar o manood na lamang sa livestream.

Pinayuhan din niya ang mga may ubo o sintomas na magsuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Upang tiyakin ang kaligtasan, magtatayo ang DOH ng 20 health emergency response team stations sa kahabaan ng prusisyon, na tatambayan ng 206 healthcare personnel.

Ilalagay din sa Code White ang mga pampublikong ospital sa Biyernes para tugunan ang anumang posibleng insidente sa kalusugan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here