Home NATIONWIDE BFP, isa sa pinakakorap na ahensya sa bansa – SILG Remulla

BFP, isa sa pinakakorap na ahensya sa bansa – SILG Remulla

250
0

MANILA, Philippines – Isa sa prayoridad ni Interior Secretary Jonvic Remulla ngayong 2026 ang paglilinis sa Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa katiwalian, na tinawag niyang “isa sa pinaka-corrupt na organisasyon sa bansa.”

Sa isang press briefing sa Iloilo City noong Miyerkules, binanggit ni Remulla ang mga isyu tulad ng pagbebenta ng fire extinguishers, pagkokontrata sa sprinklers, at pagkakakolekta ng bayad sa building permits.

Bilang bahagi ng mga hakbang kontra-katiwalian, namahagi ang DILG ng 15,000 body cameras sa mga inspector ng BFP, na magrerecord sa lahat ng kanilang pag-uusap.

Idinagdag ni Remulla na patuloy din nilang tatrain ang kapulisan upang mapanatili ang 80 porsyentong trust rating nito at ilalunsad ang unified 911 system sa buong bansa, na inaasahang darating sa Iloilo sa loob ng anim hanggang walong linggo.

Kasama niya sina acting PNP Chief Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr., CIDG Chief Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, at Police Regional Office 6 Director Brig. Gen. Josefino Ligan upang personal na subaybayan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng Iloilo Vice Mayor Aimee Paz Lamasan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here