Home METRO Parak tepok sa salpukan ng van at motor sa Isabela

Parak tepok sa salpukan ng van at motor sa Isabela

207
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang pulis matapos sumalpok ang kaniyang motorsiklo sa poste ng kuryente at mahagip ng isa pang sasakyan sa Cordon, Isabela.

Base sa dashcam video ang 43-anyos na pulis na bumibiyahe sa gilid ng national highway sa Barangay Caquilingan noong Linggo ng umaga. Nagpatuloy sa paggilid ang motorsiklo hanggang sa sumalpok ito sa poste.

Tumilapon ang rider at ang motorsiklo sa gitna ng kalsada at doon nahagip ng kasunod na refrigerated van. Ayon sa ulat, nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima bago nakapagpreno ang van.

Dinala ang pulis sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival dahil sa matitinding sugat. Ligtas naman ang mga sakay ng van.

Wala pang pahayag ang kaanak ng biktima at ang driver ng van, ayon sa ulat. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here