Home NATIONWIDE PNP, ikinatuwa paglilinaw ng Aussie Police na ‘di nagsanay Bondi Beach shooters...

PNP, ikinatuwa paglilinaw ng Aussie Police na ‘di nagsanay Bondi Beach shooters sa Pinas

244
0

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ng mga awtoridad sa Australia na hindi ginamit ang Pilipinas para sa extremist o terrorist training bago ang mass shooting sa Bondi Beach sa Sydney.

Ayon kay Australian Federal Police Commissioner Krissy Barrett, walang ebidensiya na ang mga suspek na sina Sajid Akram at anak nitong si Naveed ay sumailalim sa anumang pagsasanay sa Pilipinas noong kanilang pagbisita noong Nobyembre 2025.

Ani Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinatitibay nito ang naunang intelligence ng mga awtoridad sa bansa.

Dumating ang mga suspek sa Pilipinas noong Nobyembre 1, 2025, na may huling destinasyon sa Davao City, at umalis noong Nobyembre 29. Ilang araw matapos nito, isinagawa nila ang pag-atake na ikinamatay ng 15 katao, kabilang ang isang 10-anyos na babae.

Sinabi ni Nartatez na patuloy na makikipag-ugnayan ang PNP sa mga awtoridad sa Australia at iba pang bansa upang alamin ang motibo ng mga suspek. Inuulit din niya ang pangako ng Pilipinas sa pakikipagtulungan sa pandaigdigang laban sa terorismo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here