Home METRO Bangkay ng Grade 12, nalambat ng mangingisda

Bangkay ng Grade 12, nalambat ng mangingisda

189
0

CEBU CITY — Sa halip na isda ang mahuli, bangkay ng isang grade 12 student ang natagpuan ng isang mangingisda matapos umanong malunod habang naliligo sa dagat, noong Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Geral Avila Mahidlawon, 18-anyos, estudyante ng Luray National High School at residente sa Sityo Planta, Barangay Tubod, Toledo.

Ayon kay Roy Lausa Lenihan, mangingisda, bandang 3:00 AM nitong Martes, natagpuan niya ang bangkay ng biktima ilang metro ang layo sa pinagpaliguan nito sa Sityo Santa Ana, Barangay Poblacion.

Sa ulat ng mga awtoridad, noong Enero 4, naligo ang biktima sa nasabing dagat kasama ang mga kaibigan, subalit napadpad ito sa malalim na bahagi at tinangay ng malakas na alon.

Tinangka naman tulungan ng mga kaibigan ang biktima, subalit bigla na lamang itong nawala.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Toledo, pero hindi nila ito nakita.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here