Home METRO P.8M tobats; ‘tulak’ timbog

P.8M tobats; ‘tulak’ timbog

200
0

QUEZON — Higit P800,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation na ikinadakip ng suspek, iniulat kaninang umaga sa bayan ng Tiaong.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Tiaong Municipal Police Station ang suspek, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Lalig, Tiaong, Quezon.

Sa isinagawang operasyon ng Drug Enforcement Unit ng Tiaong MPS, nakuha sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 39.60 gramo at tinatayang may street value na ₱807,840.00, pati na rin ang 9mm na kalibre na baril na may apat na bala.

Posibleng maharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs at illegal possession of firearms and ammunitions ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here