Home LIFESTYLE HEALTH 11 milyong paslit, target bakunahan vs Tigdas-Rubella

11 milyong paslit, target bakunahan vs Tigdas-Rubella

387
0

MANILA, Philippines – Layong bakunahan ng Department of Health (DOH) ang 11 milyong batang Pilipino laban sa tigdas-rubella, sa Mindanao bilang unang stop ng supplemental immunization activity (SIA).

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, karaniwang ginagawa ang SIA tuwing limang taon, ngunit napansin ng DOH ang mababang bilang ng mga batang ganap na nabakunahan laban sa tigdas-rubella.

Sa ilalim ng SIA, ang mga batang edad 6 na buwan hanggang 59 na buwan o limang taong gulang ay sakop na ngayon, mula sa karaniwang immunization para sa edad 9 hanggang 12 buwan.

Binigyang-diin ni Herbosa ang nakakahawang sakit, kung saan ang isang nahawaang bata ay maaaring makahawa ng 16 na iba pang bata, at ang mga komplikasyon nito ay maaaring humantong sa pneumonia o kamatayan.

Ang unang phase ng SIA ay gagawin para sa 2.8 milyong bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Enero 19, dahil sa mababang rate ng bakuna doon, habang 5.6 milyong bata sa Luzon at 1.9 milyong bata sa Visayas ay mababakunahan sa Hunyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here