Home NATIONWIDE 5 kawani ng BuCor, pumasa sa 2025 Bar Exams

5 kawani ng BuCor, pumasa sa 2025 Bar Exams

268
0

MANILA, Philippines – Limang kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pumasa sa 2025 online Bar examinations mula sa kabuuang 5,594 na bagong abogado sa bansa.

Kasama sa mga pumasa sina Charles Agraba, at mga corrections officers na sina Nino De Vera, Robin Garcia, Cherry Manago, at Xerces Sebido.

Photos via Cesar Morales

Binigyang-pugay sila ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa kanilang tibay at dedikasyon.

Ani Catapang, makatutulong ang kanilang kaalaman sa batas upang mas mapalakas ang misyon ng BuCor, at masiguro na ang operasyon ng ahensya ay naaayon sa pinakamataas na pamantayan ng batas at etika. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here