Home LIFESTYLE HEALTH Health expert sa publiko: Magpabakuna vs 2026 ‘Super Flu’

Health expert sa publiko: Magpabakuna vs 2026 ‘Super Flu’

432
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Dr. Rontgene Solante, eksperto sa mga nakahahawang sakit, ang publiko na magpabakuna gamit ang 2026 influenza vaccine upang maprotektahan laban sa bagong agresibong “super flu,” isang mutated na H3N2 variant.

Ang bakuna noong 2025 ay maaaring may kaunting proteksyon pa rin, ngunit rekomendado ang taunang pagbabakuna.

Inaabangan ang bagong bakuna sa Pebrero o Marso 2026. Pinayuhan ang mga high-risk groups, lalo na ang matatanda at may comorbidities, na magpabakuna agad.

Binigyang-diin ni Solante na nakababawas ang bakuna sa panganib ng malubhang sakit at ospitalisasyon, kahit maaaring lumabas pa rin ang sintomas.

Paalala rin niya na agad magpatingin sa doktor kung may sintomas, dahil ang “super flu” ay maaari pa ring magdulot ng seryosong komplikasyon tulad ng atake sa puso o stroke, bagamat hindi kasing tindi ng COVID-19. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here