MANILA, Philippines – Inihayag ng LRT-2 management na papayagan ang mga debotong nakayapak na sumakay sa tren sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Biyernes, Enero 9.
“Bilang pakikiisa sa Kapistahan ng Poong Nazareno, papayagan ang mga debotong nakayapak na makikibahagi sa Traslacion ng Itim na Nazareno na sumakay sa LRT Line 2 sa Enero 9, 2025,” ayon sa pahayag. Mananatili pa rin ang patakarang “No Inspection, No Entry” sa lahat ng istasyon bilang bahagi ng mahigpit na seguridad.
Magpapatakbo ang LRT-2 sa regular na oras sa Biyernes. Gayunpaman, suspindido ang pagbibigay ng concessionary beep cards sa mga piling istasyon: LRT-1 (Carriedo, Doroteo Jose, United Nations, Central) at LRT-2 (Recto, Legarda, Pureza).
Magpapatuloy muli ang pagbibigay ng beep cards sa Sabado, Enero 10. RNT