Home NATIONWIDE Hirit na independent risk expert report ng kampo ni Digong, inisnab ng...

Hirit na independent risk expert report ng kampo ni Digong, inisnab ng ICC

221
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang independent expert report tungkol sa kanyang risk factors sa ilalim ng Rome Statute.

Sa limang-pahinang desisyon noong Enero 7, sinabi ng chamber na ang panel na nais ng kampo ni Duterte ay nakatalaga lamang upang suriin ang kanyang fitness for trial. “The Panel has fulfilled its mandate with the submission of the Panel’s Reports, which are available to the Defence and, should it wish to do so, can be referred to in its observations regarding the review of Mr Duterte’s detention,” ayon sa desisyon.

“In these circumstances, the Chamber sees no reason to order the Panel to prepare any additional report that exceeds its mandate.”

Humiling si Duterte ng ulat batay sa umiiral na medical findings ukol sa kanyang kakayahang maipatupad ang risk factors sa ilalim ng Article 58(1)(b) ng Rome Statute.

Binigyang-diin ng chamber na ang legal na pagtukoy kung patuloy ang mga panganib ay nasa hurisdiksyon ng korte. Idinagdag nito na dahil ang obserbasyon ng mga partido sa review ng detensyon ni Duterte ay nakatakdang isumite sa Enero 9, hindi na kailangan ang karagdagang ulat ng eksperto.

Naaresto si Duterte noong Marso 2025 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dahil sa umano’y crimes against humanity at kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa datos ng gobyerno, mahigit 6,200 drug suspects ang napatay sa police operations mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021, ngunit sinasabing maaaring umabot sa 30,000 ang bilang ng mga hindi naireport na kaso, ayon sa ilang human rights groups. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here