Home OPINION HOUSING LOAN RATE NA 3% SA BUWANANG HULOG PANANATILIHIN NG PAG-IBIG FUND

HOUSING LOAN RATE NA 3% SA BUWANANG HULOG PANANATILIHIN NG PAG-IBIG FUND

415
0

SINABI ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund nitong January 6, 2026, na mananatili ang 3 porsyentong inte­rest rate para sa kanilang subsidized housing loans, kahit na itinaas ng pamahalaan ang presyo ng mga socialized housing units.

Ang rate na ito ay unang ipinatupad noong Hulyo 2025 at sumasaklaw sa unang limang taon ng pautang sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program.

Kasabay nito, inilabas ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Department of Eco­nomy, Planning, and Development ang bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) na nagtakda ng mas mataas na presyo pa­ra sa socialized housing.

Ayon sa bagong alituntunin:
– Ang house-and-lot units ay magkakahalaga mula Php844,440 hanggang Php950,000.
– Ang condominium units na may lima o higit pang palapag ay hindi lalampas sa Php1.8 million, at maaaring tumaas pa ng Php200,000 depende sa zonal va­lue, kaya may ilang yunit na aabot sa Php2 million.

Ayon sa Pag-IBIG Fund, ang 3 percent interest rate ay maaa­ring pahabain ng isa pang limang taon, na makakatulong sa mga benepisyaryo na panatilihing abot- kaya ang buwanang hulog kahit tumaas ang presyo ng bahay.

Sa ilalim ng programa:
– Ang house-and-lot na nagkakahalaga hanggang Php950,000 ay magkakaroon ng halos Php4,005 na buwanang bayad.
– Ang condominium units hanggang Php2 milyon ay may buwanang hulog na humigit-kumulang Php8,432.

Ang programang ito ay ba­hagi ng mas malawak na layu­nin ng pamahalaan na magbigay ng abot-kayang pabahay para sa mga Filipino, lalo na sa mga low- to middle-income families. Binibigyang-diin ng Pag-IBIG Fund na ang subsidized rate ay isang hakbang upang hindi mabigatan ang mga kabahayan sa kanilang buwanang gastusin, at hinihi­ka­yat ang publiko na samantalahin ang programa habang avai­lable ang pondo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here