Home METRO Vandal sa QC hinilamusan ng QCPD

Vandal sa QC hinilamusan ng QCPD

211
0

QUEZON CITY — Inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni PCOL Randy Glenn Silvio ang Project HILAMOS (Holistic Initiative for Local Art, Maintenance, and Order in Spaces) at isinagawa ang paunang operasyon nito sa 18 barangay sa lungsod nitong Biyernes.

Isinagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng QCitizens, mga opisyal ng barangay, at ng Quezon City LGU sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte, na naglalayong ibalik ang kaayusan at kalinisan sa mga pampublikong lugar habang itinataguyod ang disiplina, kaligtasan, at walkable at child-friendly na kapaligiran.

Saklaw ng operasyon ang mga pangunahing lugar tulad ng CP Garcia Community Park, Commonwealth Avenue, Department of Agriculture sa Diliman, P. Tuazon Blvd., Ramon Magsaysay Elementary School, Quirino Highway, Dona Rosario Elementary School, Justice Cecilia Muñoz Palma High School sa Payatas, EDSA corner Ermin Garcia, Quezon Memorial Circle, at iba pa.

Ang Project HILAMOS ay nakaayon sa Oplan Hilamos/Oplan Dignity na inilunsad ng DILG noong 2014, at sumusuporta sa City Ordinance No. SP-3163, S-2022, na nagbabawal sa vandalismo at paninira ng ari-arian. Nilalayon ng inisyatiba na tugunan ang visual pollution, mapanatili ang kaayusan sa pampublikong lugar, at makatulong sa crime prevention, kaligtasan, at kaayusan sa kapaligiran.

“Cleanliness, order, and safety are everyone’s responsibility. Through Project HILAMOS, we urge all residents to take part, report illegal activities, and practice discipline in public spaces to make Quezon City safer, more livable, and foster friendly environments,” ayon kay PCOL Silvio. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here