Home NATIONWIDE Top 9 MWP sa Region 2, arestado

Top 9 MWP sa Region 2, arestado

155
0

JONES, Isabela – Dahil sa mga nakabinbing kasong sexual assault at statutory rape na tinaguriang Top 9 Most Wanted Person o TMWP sa region 02 ay naaresto ng Jones Police Station (PS) sa Barangay Barangcuag dito sa nasabing bayan.

Kinilala ang akusado ay si alyas “Jomer”, 38-anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Manuel Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Officebo IPPO ay nanguna sa operasyon ang Jones Police Station katuwang ang Regional Intelligence Unit 2-Santiago City, 205th Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion 2, 3rd Platoon, 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company, Provincial Intellegence Unit-Isabela PPO at Provincial Investigation and Detective Management Unit-Isabela PPO na nagbunga sa pagkakadakip ng akusado.

Epektibo ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrewst na ipinalabas noong Disyembre 11, 2025 ng Regional Trial Court Branch 29 sa Echague, Isabela na walang inirekomendang piyansa.

Sangkot sa pangagahasa ang suspek sa isang Menor de edad.

Sa report ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Jones PS, naganap ang krimen noong Marso 20, 2025at noong Hunyo 23, 2025 ay personal nanagsuplong sa Jones MPS ang menor de edad na biktima kasama ang kanyang ama nang maisuplong ang nasabing pangaabuso na naranasan buhat sa inarestong suspek.

Batay sa pahayag ng biktima na Minor, habang naglalaro ay pinagsamantalahan ito ng suspek kasama ang pinsan sa bahay ng akusado.

Pagkatapos nito ay pinagbantaan umano ng suspek ang Minor na sasaktan ito kung sakaling magsumbong sa kaniyang pamilya.

Pansamantala nasa kostodiya na ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon bago iharap sa korteng pinagmulan ng kaso. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here