Manila, Philippines – Ayon sa isang psychic, this year daw ay magiging lapitin ng aksidente si Kathryn Bernardo.
Sabi ng psychic, “Si Ms. Kathryn Bernardo, hindi ko alam kung anong klaseng energy meron ka na para bang hinahabol ka talaga ng accident. This is not about health issue, it’s about accident, so, try lang muna i-avoid ‘yung number 17 kasi lumalabas talaga.”
Patuloy niya, “‘Yun ‘yung bad luck number 17, puwedeng araw, puwedeng plate number, puwedeng flight number. Lumalabas talaga si Ms. Kathryn at ‘yung (number) 1 and 7.
“Iwasan niya muna ang plate number, date ng shoot, airlines. Basta iwasan niya ang number 17 yan ang nakikita ko sa vision ko at accident ‘yun. Avoid din muna siya sa black (color).”
Tungkol naman sa lovelife ng aktres, “Kahit magpakasal pa si Kathryn, ang ending pa rin kasi sila pa rin,” tumawang sabi ng psychic na ayaw niyang banggitin kung sino ang tinutukoy dahil may kanya-kanya na raw silang partner at ayaw daw niyang magalit sa kanya ang mga faney ng dalawa.
So, parang pinalalabaas ng psychic na kapag naikasal si Kathryn sa ibang lalaki at hindi kay Daniel Padilla ay makikipaghiwalay din siya.
At obvious naman na si Daniel ang tinutukoy ng psychic na magiging ending ni Kathryn.
Well, abangan na lang natin kung magkakatotoo ang hula kay Kathryn. Rommel Placente