Home NATIONWIDE IPC bill posibleng maipasa ng Senado sa Pebrero – Sotto

IPC bill posibleng maipasa ng Senado sa Pebrero – Sotto

211
0

MANILA, Philippines — Posibleng maipasa ng Senado sa Pebrero ang panukalang batas na lilikha sa Independent People’s Commission (IPC), ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Sa isang panayam, sinabi ni Sotto na nasa ikalawang pagbasa na ang IPC bill at isa o dalawang mambabatas na lamang ang nakapila para sa interpellation, kaya inaasahang mabilis itong uusad sa Senado.

Ayon kay Sotto, target ng Senado na matapos ang panukala bago matapos ang Pebrero at umaasa rin siyang sabayan ito ng Mababang Kapulungan.

Layunin ng IPC na magsilbing independent body na mag-iimbestiga ng anomalya, katiwalian, kapabayaan at maling pamamahala sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan.

Saklaw din ng kapangyarihan ng IPC ang pag-isyu ng contempt sanctions at paghahain ng reklamo laban sa sinumang opisyal o kawani ng gobyerno na haharang sa mga imbestigasyon.

Matatandaang noong Disyembre 2025 ay nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso na bigyang-prayoridad ang pagpasa ng panukalang IPC Act.

Tiwala rin si Sotto na mapipirmahan bilang batas ang panukala bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here