Home NATIONWIDE PBBM nagdeklara ng special non-working days sa 5 lugar sa bansa

PBBM nagdeklara ng special non-working days sa 5 lugar sa bansa

318
0

MANILA, Philippines – IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang special non-working days sa ilang lugar sa bansa bilang paggunita at pagdiriwang sa local celebrations at commemorative events.

Sa katunayan, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proclamation 1125 noong Jan. 5, idinedeklara ang Feb. 23 bilang special non-working day sa Baguio City para gunitain ang Ibaloi Day, pagbibigay galang at pagdiriwang sa kultura ng Ibaloi people, isa sa mga indigenous groups sa Cordillera Region.

Tinintahan din ng Pangulo ang Proclamation 1120 nagdedeklara sa Jan. 20 bilang special non-working day sa Lipa City, Batangas Coffee Festival ng lungsod, isang taunang selebrasyon para i-honor ang rich coffee-growing tradition ng lalawigan at katayuan nito bilang isa sa top coffee-producing regions ng bansa.

Ang Lipa ay particular na kilala para sa Arabica at Robusta coffee, binigyang diin sa pagdiriwang ang kasaysayan, kultura at ekonomiya ng Batangas coffee.

Ang Proclamation 1121 ay nagdedeklara ng Jan. 26 bilang special non-working day sa Carigara, Leyte, bilang kapalit ng Jan. 25, na bumagsak, araw ng Linggo, pahintulutan ang mga residente na magpartisipa sa 455th founding anniversary celebration ng bayan.

Ayon sa Proclamation 1122, isang special non-working day ay gugunitain sa Jan. 23 sa lalawigan ng Bulacan para markahan ang anibersaryo ng inagurasyon ng First Philippine Republic, na nangyari sa Barasoain Church sa Lungsod ng Malolos.

“The First Philippine Republic was the first constitutional republic in Asia, formally established on Jan. 23, 1899, following the Philippine Revolution against Spanish colonial rule. It was inaugurated at the Barasoain Church in Malolos, Bulacan, with Emilio Aguinaldo as its first president,” ayon sa ulat.

Itinakda naman ng Proclamation 1123 ang Jan. 19 bilang special non-working day sa Pagadian City, Zamboanga del Sur para sa taunang Pasalamat Festival 2026, itinakda mula Jan. 12 hanggang 19.

Ginawa ang deklarasyon sa kahilingan na rin ng Office of the Mayor upang mga residente na ganap na makapagpartisipa at i-enjoy ang nasabing kasiyahan.

Ang Pasalamat Festival ay “a week-long cultural and thanksgiving celebration, featuring religious ceremonies, street dancing, parades, trade fairs, cultural shows, and other community activities that highlight local traditions, products, and talents.”

“The festival often culminates in a grand parade or street presentation showcasing the creativity of different barangays or groups,” ayon sa ulat.

Samantala, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proclamations 1120 hanggang 1123 noong Disyembre 23, 2025. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here