Home METRO Eastern, northern Samar binaha sa shear line

Eastern, northern Samar binaha sa shear line

200
0

SAMAR, Philippines – Ilang komunidad sa Eastern Samar at Northern Samar ang binaha noong Sabado matapos magdala ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang shear line simula Biyernes, ayon sa mga disaster official.

Sa Eastern Samar, nakaranas ng pagbaha ang mga bayan ng San Julian, Maslog, at Jipapad, pati ang Borongan City.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Maslog, 235 pamilya o humigit-kumulang 705 indibidwal mula sa mga barangay ng Libertad, Tugas, at Poblacions 1 at 2 ang naapektuhan ng matinding pagbaha.

Sa Jipapad, apat na barangay sa town proper—Poblacions 1, 2, 3, at 4—ang binaha at nakaapekto sa mahigit 4,100 residente.

Sinabi ni municipal disaster officer Vicky Abestros na bahagyang humina ang ulan ngunit nananatili pa rin ang baha sa ilang lugar.

“We continue to closely monitor the weather conditions here,” ani Abestros.

Iniulat din ang pagbaha sa San Julian, partikular sa mga barangay ng San Miguel, Pagbabangnan, at Poblacion 3, na may kabuuang populasyon na mahigit 3,170.

Sa Borongan City naman, apektado ang Barangay San Saturnino na may higit 1,700 residente.

Sa Northern Samar, ilang barangay sa mga bayan ng Catubig, Laoang, Silvino Lobos, San Roque, Las Navas, at sa kabiserang Catarman ang binaha rin dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ayon sa mga awtoridad, wala namang naitalang nasawi o nawawala sa mga insidente ng pagbaha sa dalawang lalawigan hanggang sa kasalukuyan.

Patuloy namang nakaalerto ang mga lokal na disaster office habang minomonitor ang lagay ng panahon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here