MANILA, Philippines – Ipinahayag ng North Luzon Expressway (NLEx) Corporation noong Sabado na pansamantalang isasara ang lane sa NLEx Tulaoc Overpass sa San Simon, Pampanga.
Ang pagsasara ay para bigyang-daan ang pag-demolish ng lumang Tulaoc overpass at konstruksyon ng bagong overpass ng Department of Public Works and Highways.
Ayon sa Facebook advisory ng NLEx, ang 800-metrong bahagi ng southbound lane matapos ang San Simon Interchange ay isasara sa mga sumusunod na petsa at oras:
— Enero 12, 10:00 p.m. – Enero 13, 5:00 a.m.
— Enero 14, 10:00 p.m. – Enero 15, 5:00 a.m.
— Enero 19, 10:00 p.m. – Enero 20, 5:00 a.m.
— Enero 21, 10:00 p.m. – Enero 22, 5:00 a.m.
“Counterflow will be implemented at the opposite direction,” ayon sa NLEx Corporation. RNT/MND