Home METRO Higit 4,000 estudyante apektado sa banta ng Bulkang Mayon

Higit 4,000 estudyante apektado sa banta ng Bulkang Mayon

217
0

ALBAY, Philippines – Mahigit 4,000 estudyante sa Albay ang lumipat sa modular at blended learning matapos ma-evacuate ang kanilang mga pamilya dahil sa patuloy na banta ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Alvin Cuz, disaster risk reduction and management coordinator ng DepEd Albay Division, 608 estudyante ang na-displace mula sa loob ng 6-kilometrong permanent danger zone (PDZ), habang 3,424 estudyante ang apektado sa apat na paaralang ginawang evacuation centers.

Ilang pamilya ang pansamantalang naninirahan sa community evacuation centers ng mga lokal na pamahalaan.

Sinisiguro ng DepEd ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani sa pamamagitan ng monitoring at on-site inspections, at ina-update ang learning plans para mas tumugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Sa dalawang paaralang nasa loob ng PDZ—Calbayog Elementary School sa Malilipot at Magapo Elementary School sa Tabaco City—ang mga estudyante mula sa Magapo Elementary ay lumipat sa modular learning at nakatakdang bumalik sa San Vicente Elementary School sa Tabaco City sa Enero 12, habang pansamantalang naninirahan ang kanilang pamilya sa San Vicente Hiraya Manawari Resettlement.

Sa Tagaytay Elementary School sa Camalig, na ginawang evacuation center, hindi naapektuhan ang klase dahil may hiwalay na anim na classroom building para sa evacuees.

Ayon sa DepEd, 27 paaralan sa loob ng 7–8 kilometro radius ng bulkan ang maaapektuhan kung itataas ng Phivolcs ang alert level ng Mayon sa Level 4.

As of Biyernes, 1,094 pamilya o 4,032 indibidwal ang na-evacuate mula sa 11 barangay sa PDZ. Ayon sa Phivolcs, naitala ang 150 rockfall events at 90 pyroclastic density currents, at moderate emissions hanggang 50 metro ang taas na humihiwalay pakanan-kanluran at timog-kanluran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here