Home NATIONWIDE P1-B matatanggap ng specialty hospitals para sa zero balance billing sa 2026

P1-B matatanggap ng specialty hospitals para sa zero balance billing sa 2026

203
0

MANILA, Philippines – Makakatanggap ng P1 bilyon bawat isa ang ilang specialty hospitals sa ilalim ng 2026 national budget upang suportahan ang zero balance billing program ng administrasyong Marcos, ayon sa Department of Health (DOH).

Ilan sa mga benepisyaryo ay ang Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, at Philippine Heart Center

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, “Ito po ay government-owned. Private siya pero government-owned, so hindi siya humingi ng subsidy. Ang ginagawa sa hospital yan, kikita siya from the private [functions] at yan ang gagamitin sa basic accommodation para makapag-zero balance… Pag hindi sila kumita, mas konti [ang macocover].”

Dagdag niya, kung mabibigyan ng dagdag na P1 bilyon bawat ospital, hindi na nila kailangang itaas ang fees sa private services dahil may sariling pondo na para makapagbigay ng libreng serbisyo.

Sa kabuuan, inilaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P448.125 bilyon sa sektor ng kalusugan sa 2026, ang pinakamalaking budget allocation sa kasaysayan ng Pilipinas, kabilang ang dagdag na P1 bilyon para sa zero balance billing program sa local government hospitals. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here