Home NATIONWIDE Mas mahigpit na proteksyon sa media, ipinanawagan ng NUJP

Mas mahigpit na proteksyon sa media, ipinanawagan ng NUJP

176
0

MANILA, Philippines – Muling binuksan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang diskusyon tungkol sa pangangailangan ng safeguards at economic support para sa media industry kasunod ang pagkamatay ng photojournalist na si Itoh Son sa Traslacion ngayong taon.

Ani NUJP chairperson Jonathan de Santos, dapat ay may dalawang pangunahing hakbang: self-assessment ng media workers para malaman kung kaya nilang mag-cover sa “high-stress events” tulad ng Feast of the Black Nazarene, at payagan ang mga reporters na umatras o huminto sa coverage sa oras ng emergency.

“Of course, we don’t want to blame anyone from the incident since almost all media workers are up to the challenge of a big coverage,” ani De Santos.

Si Son, mula sa tabloid na Saksi, ay dumating sa Quirino Grandstand matapos ang ibang coverage at nag-collapse, na sinasabing “perhaps due to extreme exhaustion,” bago dinala sa ospital.

Binigyang-diin din ni De Santos ang ekonomikal na dahilan sa panganib ng mga media workers: understaffing, kakulangan ng reliever system, at mababang sahod.

Hinimok ng NUJP ang media companies na magplano ng maayos bago ang malalaking events, tiyakin ang sapat na staffing para may mapalitan ang magsasakit, at magbigay ng sapat na sahod para mabuhay ang mga media workers.

“What we need is proper coverage planning… adequate staffing… and most especially, the need for a wage enough for all media workers to live,” dagdag ni De Santos. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here