Home NATIONWIDE Malakanyang: Authenticated ‘Cabral files’ ng Ombudsman, mapakikinabangan sa flood control probe

Malakanyang: Authenticated ‘Cabral files’ ng Ombudsman, mapakikinabangan sa flood control probe

213
0

MANILA, Philippines – Tanging ang ‘Cabral files’ na authenticated lamang ng Office of the Ombudsman ang kapaki-pakinabang sa flood control projects probe.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na tanging ang authenticated “Cabral files” lamang ang may bigat, kumpara sa mga dokumentong ibinahagi sa online.

Napaulat na ang dokumento ay naglalaman ng listahan ng di umano’y ‘insertions at project proponents’ sa posibleng irregular infrastructure projects na hawak ng namayapang Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.

“Yung galing sa Ombudsman, gagamitin talagang ebidensya yan. Dun naman sila hahango at kukuha kung ano man ang kanilang madidiskubre,” ang sinabi ni ni Castro.

“Yung files na pakalat-kalat lang diyan at hindi naman ito na-authenticate. Tingin natin hindi ito magiging mahalaga,” dagdag na pahayag ni Castro.

Nauna rito,sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi dapat pagtuunan ng oras ang tinaguriang Cabral files, at mas mahalaga aniyang suriin ang mga dokumento mula sa Department of Budget and Management (DBM), naniniwala naman si Castro na ang mga dokumento ay maaaring mapakinabangan depende sa layunin ng opisyal.

“Listahan ito, maaring ang iba ay nag-name drop pero ayon naman kay Senator Lacson, maaaring busisiin ito, so depende sa magiging intention nila in aid of legislation,” ang winika pa rin ni Castro.

Si Cabral ang itinuturong nasa likod ng tinatawag na “allocable, sa paglalaan ng pondo para sa mga mambabatas na inilaan sa flood control projects na umano’y ginamit sa katiwalian.

Kabilang si Cabral sa mga dating opisyal ng DPWH nainirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na kasuhan kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here