Home HOME BANNER STORY EDSA Kamuning southbound busway station, pansamantalang isasara

EDSA Kamuning southbound busway station, pansamantalang isasara

255
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng pansamantalang full road closure sa EDSA Kamuning Southbound Busway Station sa Quezon City sa Lunes, Enero 12, at Huwebes, Enero 15, mula 1 a.m. hanggang 4 a.m., ayon sa Department of Transportation (DOTr). Inaasahang magdudulot ito ng mabigat na trapiko.

Ang pansamantalang pagsasara ay para sa mobilization at installation ng steel components ng bagong pedestrian walkway, na papalit sa Kamuning overpass na dating binatikos dahil sa taas nito.

Pinayuhan ang mga private motorists na dumaan sa alternate routes: pumasok sa Scout Borromeo Street at lumabas sa GMA Network Drive o Timog Avenue.

Bagama’t isasara ang buong Kamuning Southbound Busway Station, magpapatuloy ang EDSA Busway buses 24/7, ngunit hindi titigil sa nasabing estasyon.

Ang mga commuters ay inirerekomendang gumamit ng malalapit na bus stops sa Quezon Avenue o Nepa Q-Mart.

Si Felipe Toyo, isang commuter, ay sinabi: “Kagaya ko po medyo may edad ko, okay po sa akin na mababa na siya, mas maganda po.” Samantala, nagbahagi naman si Reymel Jocsin na mahirap ang commute habang sarado ang estasyon, lalo na’t malayo ang ibang bus stops at masikip ang daloy sa MRT. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here