Home NATIONWIDE Lacson: Imee Marcos may ‘allocable fund’ din sa badyet

Lacson: Imee Marcos may ‘allocable fund’ din sa badyet

207
0

MANILA, Philippines – Kinondena ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang mga alegasyon ni Sen. Imee Marcos laban sa 2026 General Appropriations Act (GAA) at iginiit na may sarili rin itong allocable fund batay sa mga dokumento ng yumaong DPWH undersecretary Maria Catalina Cabral.

“Si Senator Imee, mayroon din doon. Kung hindi P2.5 billion, nasa P3.5 billion. ‘Yung for later release niya, may mga na-release doon,” ani Lacson.

Dagdag pa niya, “Siya (Marcos) ‘yung nag-iingay na tahasang kini-criticize niya ang napirmahang budget ng 2026. Kung ganun definition niya ng pork, siya nga ang mayroong pork [barrel]. So wala siyang moral ascendency para i-criticize,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Marcos na ang 2026 GAA, na nilagdaan ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay isang “political” at hindi developmental na badyet. Iniuugnay rin niya ito sa umano’y plano para sa panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Binanggit din ni Marcos na ang sinasabing “soft pork” ay maaaring magmula sa mga programang tulad ng MAIFIP at AICS.

Kinuwestiyon naman ni Lacson kung bakit hindi ito inilabas ni Marcos noong Bicameral Conference Committee, at itinanggi ang pahayag na pinigilan silang magsalita sa Senate Blue Ribbon Committee. Sinabi rin niyang walang ebidensyang nag-uugnay kay dating House Speaker Martin Romualdez sa flood control scandal.

“Ang problema, sumulpot siya (Orly Guteza) minsan tapos nawala siya ng parang bula,” ani Lacson, patungkol sa testigong nag-akusa noon.

Inanyayahan ni Lacson si Marcos na dumalo sa Blue Ribbon Committee at ilahad ang kanyang ebidensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here